Goals and strategies of the MRP

Goals and strategies of the MRP (Moral Recovery Program)

This is Module 2, Lesson 4: Goals and strategies of the MRP (Moral Recovery Program) under the course Legal Bases of Values Education in the Philippines.

Sa Lesson na ito, goals and strategies of the MRP, tatalakayin natin ang mga layunin at pamamaraan o stretehiya tungo sa pagbabago o pagpapatupad ng MRP, na iminungkahi ng Kagawaran base sa mga kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino na natalakay natin sa Lessons 2 and 3. Unahin natin ang ang mga layunin.

Alternatively, you can watch this lesson on YouTube.

Goals of the MRP

1. A sense of patriotism and national pride, a genuine love, appreciation, and commitment to the Philippines and things Filipino.

Unang layunin ng MRP na hubugin ang mga Pilipino na magkaroon ng maalab na pagmamahal sa bayan (patriotism & national pride), katapatan sa bansang Pilipinas at pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.

2. A sense of common good, the ability to look beyond selfish interests, a sense of justice, and a sense of outrage at its violation.

Ikalawang layunin ng MRP na turuan ang mga Pilipino na magkaroon ng pagpapahalaga sa kapakanan ng nakararami (common good), kakayanan na labanan ang pagiging makasarili at sa halip ay maging bukas-palad at mapagkawang-gawa; at isulong ang katarungan at pagkamuhi sa karahasan.

3. A sense of integrity and accountability, an aversion towards graft and corruption in society, and an avoidance of the practice in one’s daily life

Ikatlong layunin ng MRP na hubugin ang mga Pilipino na magkaroon ng integridad at pananagutan (integrity & accountability), pagsugpo sa korapsyon, at pag-iwas sa mga sitwasyon na maaring magbunga ng korapsyon sa personal nating buhay.

4. The value and habits of discipline and hard work

Ikaapat na layunin ng MRP na hubugin ang mga Pilipino na magkaroon ng pagpapahalaga sa disiplina at sigasig sa pagtatrabaho, at pagsasabuhay mismo ng tamang disiplina at dedikasyon sa trabaho.

5. The value and habits of self-reflection and analysis, the internalization of spiritual values, the emphasis of essence rather than form

At ikalimang layunin ng MRP na turuan at hikayatin ang mga Pilipino na hindi lang pahalagahan, kundi ugaliin na magkaroon ng pagninilay sa sariling buhay, pagninilay o internalisasyon ng mga pagpapahalagang ispiritwal, at pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa kakanyahan o essence, kaysa sa panlabas na anyo o form.

Sa madaling salita, ang mga kahinaan nating mga Pilipino (Weaknesses of the Filipino character) ay tinapatan ng mga layunin ng MRP tungo sa pagbabago.

Halimbawa, sa personalism, nais natin itong mabago sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sense of common good. Sa ating sobrang family-centeredness, ganun din, sense of common good. Sa kakulangan natin sa disiplina, ang tugon ng MRP ay disiplina, integridad at pananagutan. Sa ating pagiging passive, ang tugon ng MRP ay disiplina at sigasig sa pagtatrabaho. Sa ating kaisipang kolonyal, ang tugon ng MRP ay pagkamakabayan at pagmamalaki sa ating bansa. Sa ating pag kakanya-kanya, ang maaring tugon ng MRP ay pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kapakanan ng nakararami at hustiya. At sa ating lack of analysis, ang tugon ng MRP ay pagpapaigting ng adbokasiyang self-reflection at analysis.

Tumungo naman tayo sa mga pamamaraan o stratehiya tungo sa pagbabago (stragies of the MRP).

Strategies of the MRP

1. Strategies must be multi-layered and multi-sectoral

Una, ang mga stratehiya ay dapat multi-layered at multi-sectoral. Ibig sabihin ang pagrekober ng ating mga pagpapahalagang moral ay hindi lang dapat yong mga nasa ibaba o nasa itaas ng pamamahala, hindi lang dapat yong nasa publiko o pribadong sektor, dapat lahat, opisyal man o hindi, public sector o private sector man yan. So, dapat lahat.

2. Strategies must emphasize change in the power holders as well as in the masa

Ang pangalawang stratehiya sa pagbabago ay hindi lang dapat nakatuon sa pagbabago ng mga nasa kapangyarihan, kundi pati pagbabago ng masang Pilipino, ng sambayanang Pilipino.

3. Strategies should be holistic, emphasizing individual as well as system or structural change

Ang pangatlong stratehiya ng MRP ay dapat holistic, dapat bigyang diin hindi lang ang pagbabago ng bawat Pilipino, kundi pati ng sistema at istruktura ng ating mga kaugalian na hindi nakakatulong sa ating mga Pilipino. Kung ang sistema sa ating lipunan halimbawa ang nagpapakorap sa mga lingkod-bayan, dapat baguhin ang sistema. Kailangang magkaroon ng mekanismo na mag-oobliga sa mga lingkod-bayan na maging matuwid.

4. The change should involve a critical mass of people

Ang ika-apat na strategy ng MRP upang makamit ang pagbabago, dapat maging bahagi ang masang Pilipino sa pagkilos tungo sa pagbabagong hangad ng pamahalaan. Hindi ito madali. Kinakailangan dito ang isang lider na mataas ang kredibilidad at may kakayanan na iinspire o i-motivate ang masang Pilipino na maging matuwid at maki-isa tungo sa pagbabago. Kase kung kurap ang namumuno, tiyak na hindi makikinig ang sambayang Pilipino, di ba?

5. The goals should be cut up into “bite-size” pieces of implementation

Ang ika-limang strategy ng MRP, dapat ang istratehiya sa pagbabago ay bite-size pieces. Ibig sabihin may mga maliliit na hakbang na nakalatag at susundan ng sambayan. Maliliit na pagbabago sa bawat araw o bawat buwan. Hindi dapat biglaan. Kung baga sa pagkain, dapat yong kaya lang isubo at kainin. Hindi dapat lahatin sa isang subo kase tiyak na mahihirapan tayong kainin, di ba? So, bite-size.

6. Strategies must be connected to the daily life of people

Ika-anim, dapat ang stretehiya sa pagbabago ay nakaugnay sa pang araw-araw na pamumuhay natin. `Yong mga bite-size na stratehiya ay dapat ugnay-ugnay sila at applicable sa araw-araw nating pamumuhay. Kase kung walang kaugnayan sa karaniwan nating buhay, walang silbi ang programa na ipapatupad ng pamahalaan. Kailangan dito ang konsultasyon at dialogo ng mga tagalikha ng programa at ng masang Pilipino.

7. Strategies must be implemented by an act of the will and involve self-sacrifice

Ang ikapitong strategy ng MRP ay tumutukoy sa determinasyon. Ang stretihiya sa pagbabago ay dapat maipatupad ng pamahalaan hindi para magpasikat, kundi dahil ito ay bunga ng katapangan at determinasyon ng kalooban tungo sa pagbabago, at bukal sa kalooban na magsakripisyo. Sarap pakinggan, pero napakahirap nito dahil nangangahulugan ito ng isang matino, masigasig, at self-less na pinuno ng ating bayan. Sana mabuksan ang mga mata ng kamalayan sambayanang Pilipino upang mailuklok natin sa Malakanyang ang lider na kailangan ng inang bayan. Maraming matino, masigasig at self-less na Pilipino.

So, that`s lesson 4, the goals and strategies of the MRP for change. And this ends module 2 with 4 lessons.

Let`s have a Module 2 quick recap. In Lesson 1, we learned the MRP background. In Lesson 2, we talked about the strengths of the Filipino character. In Lesson 3, we discussed the weaknesses of the Filipino character. And in Lesson 4, we just learned the goals and strategies of the MRP (Moral Recovery Program).

______________________

Check previous lessons under the Legal Bases of Values Ed in the Philippines:

________________

References:

Quisumbing, L. R. (1994). A study of the Philippine Values Education Program (1986-1993). International Conference on Education, 44th Session. International Conference Center of Geneva. U.S. DEPARTMENT OF EDUCATION, Office of Educational Research and Improvement. (EDUCATIONAL RESOURCES INFORMATION CENTER, ERIC)

Kabisig People’s Movement, (1993). Filipino Values and National Development. Kabisig People’s Movement.

Values Education for the Filipino. 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program. UNESCO National Commission of the Philippines, Education Committee Project

Values Education Program
www.valueseducation.net

Living Values Education

Avatar

About Dominic San Jose

Hello! I`m Teacher Doms! I am a teacher, Christian missionary and entrepreneur. This personal website is my simple way of sharing my experiences. It is my hope that you may get something valuable from this site. Cheers to your success!

Leave a Comment